Monday, 18 September 2017

LNHS- Pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Buwan ng Kasaysayan 2017

        
 LNHS- Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 
at Buwan ng Kasaysayan 2017
ni: Perry Vinluan

SHS-Sabayang Pagbigkas
 “Ulan ka lang! Pilipino kami!” Yan ang mga katagang taas-noong pinanindigan ng mga mag-aaral ng Libas National High School. Pinawi ng buhos ng ulan ang uhaw ng bawat kabataan sa magkaka-ibang baiting na maipakitang gilas ang kanilang talento at indayog sa pagtatanghal ng Katutubong Sayaw at Sabayang Pagbigkas para sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Filipino: Wikang Mapagbago” na ginanap ika-30-31 ng Agosto 2017. Higit na gulat at nasurpresa ang lahat, lalong lalo na ang pinakamamahal na Punong guro na si Gng. Jeanie T. Verceles na isa rin sa mga tumayong hurado ng patimpalak. “Sobrang hirap ang naging trabaho namin bilang hurado sa patimpalak na ito. Lahat ng nagtanghal ay nagpamalas ng kagalingan. Para kaming nanunuod sa Theatre at Cultural Show. Ngayon pa lang, lahat tayo panalo na. Ipagpatuloy natin ito. Sulong Libas!!!” aniya ni Gng. Verceles pagkatapos ng mga pagtatanghal.


  Datapwat makulimlim, nagliwanag parin ang mga mata ng manonoud sa makukulay at magagarbong kasuotan ng mga kalahok at mga palamuting kanilang ginamit sa kanilang mga pagtatanghal. Ang mga wagi ng Katutubong Sayaw na galing sa ika sampung baiting ay nagkwento habang ini-indayog ang tradisyonal na ritwal sa pag-iisang dibdib ng mga katutubo. Makatotohanang emosyon at makapangyarihang pagsambit ng bawat kataga ng “Pilipino: isang depinisyon” ni Ponciano Pineda naman ang naging alas ng mga mag-aaral mula sa Senior High para makamit ang unang titulo sa Sabayang Pagbigkas.      Sa sumunod na araw ng pagdiriwang, isinagawa ang paligsahan ng mga kasali sa Natatanging Pagganap ng Bayani. Lahat ay karapat-dapat ngunit nagwagi parin ang isang mag-aaral na galing sa ika-labindalawang baiting sa kanyang pagganap bilang General Antonio Luna. Isinagawa rin ang pagbibigay karangalan sa mga nanalo ng mga naturang patimpalak kabilang na rin ang mga nagtangi sa Paggawa ng Slogan, Pagsulat ng Sanaysay, Paggawa ng Poster.

Katutubong Sayaw mula sa ika sampung baitang




Tinikling mula sa ika 8 Bai



Sabayang Pagbigkas mula sa ika-9 na Baitang
Heneral Luna mula sa ika 12 na Baitang
Cory Aquino ng ika 12 na Baitang










    

No comments:

Post a Comment

Libas NHS- INTRAMURALS 2017

INTRAMURAL 2017 Jerick G. Tagulao “Talent and Intelligence win Games, but through Teamwork We can become Champions”, was the focal ...